Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Kahit ramdam ang hirap ng mga pasahero, turista man at lokal
na mamayan ng Boracay at nakikita naman ang sitwasyon sa Tambisaan Port, hindi
pa umano pwedeng ma-ayos sa ngayong ang Tambisaan Port sa Manoc-manoc, ayon kay Municipal Economic Enterprise
Development (MEED) Manager at Malay Administrator Godofredo Sadiasa.
Ito ay dahil kapag ipatupad umano ang pagsasa-ayos o konstraksiyon
dito partikular ang paglalagay ng shade o silungan para sa mga pasahero,
aasahang makaka-istorbo ito sa publiko na dumadaan sa nasabing pantalan.
Kaya hihintayin na lang umano na mailipat ang biyahe ng mga bangka
pabalik sa rutang Caticlan at Cagban Port bago simulan ang konstraksiyon.
Pero nilinaw nito na imposibleng maipapatupad ang
pagsasa-ayos na ito ngayong taon ng 2012 dahil sa ginagamit pa sa kasalukuyan
ang Tambisaan Port at ayaw nila na maging sagabal ito sa mga pasahero, kaya hihintayin
na lang nilang maging bakante ito.
Gayon pa man, inihayag nitong pinondohan na ng LGU Malay ang
proyekto at tapos na ang bidding para sa gagawing pagpapa-unlad ng Tambisaan
Port.
Kung mapapansin, ngayong madalas ang pag-ulan sa bansa lalo
na dito sa Boracay, tila mga basang sisiw ang mga pasaherong naghihintay na
makasampa sa bangka dahil sa walang masisilungan maliban sa maliit na ticket
booth doon.
Ang mga pasahero namang kakababa lang ng bangka ay
nakikipag-karerahan na lamang sa ulan, diretso sa nakaparadang tricycle sa
labasan dahil sa maliit lamang at puno na ang silungan doon.
No comments:
Post a Comment