Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Nag-request na ng pondo ang Department of Public Works and
Highways (DPWH) -Aklan para sa slope protection mula sa pag-guho ng lupa o
erosion sa high way sa area ng Nabas, na
siyang itinuturing na kritikal lalo na kapag ganitong panahon na madalas ang
pagbuhos ng ulan.
Ito ay ayon kay Engr. Abraham C. Villaruel, OIC District
Engineer ng DPWH-Aklan
.
Bagamat hindi nito hinayag kung magkano ang pundong hiling
nila, sinabi nitong ngayon ay pasok na ito sa alokasyon ng Calendar Year 2012
ng Tourism Convergence.
Kaya sa kasalukuyan hinihintay pa ng DPWH ang pondong ito
upang maiwasan na rin ang insidente ng pagka-stranded ng mga pasahero papunta
at mula sa Boracay gayong ito lamang ang tanging daan papuntang bayan ng
Kalibo.
Sa ngayon aniya ay na-identify na nila ang mga lugar na
madalas may gumuguhong lupa para sa gagawing slope protection na kongrito.
Pero sinabi nito na ang paglalagay ng coconet sa ilang
bahagi ng bulubunduking lugar sa gilid ng Highway sa Nabas ay matutuloy parin.
Ngunit pili lamang umano ang area na paglalagyan at ang
ibang area naman ay slope protection na kongrito ang ilalagay.
No comments:
Post a Comment