YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, August 06, 2012

Mga insidente ng pagkalunod sa Boracay, ipinaliwanag ng Lifeguard


Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay

Mayroon nang megaphone, pito at teleskopyo, dagdagan pa ng 8 to 5 na pagbabantay ng mga sinanay na lifeguard sa limang tower sa beach front ng Boracay.

Subali’t aminado pa rin ang lifeguard na hanggang sa ngayon ay may mga insidente pa rin ng pagkalunod sa isla, sa kabila ng umano’y mahigpit nilang pagmomonitor at pagpapatrolya lalo na kapag masama ang panahon.

Ayon kay lifeguard commander Mike Labatiao, maliban sa may mga gustong maligo sa dagat na talagang dine-dedma ang mga kanilang mga paalala kahit malakas ang alon, sinabi nitong kapag habagat at masama ang panahon, ang buhangin sa ilalalim ng tubig ay hindi pantay at palalim ng palalim papuntang gitna.

Dahilan ng mas malaking tsansa ng isang swimmer na mataranta at malunod.

Bagay na itinuro nito ang ipinagkaiba ng sitwasyon ng buhangin sa dalampasigan ng sitio Angol station 3 papuntang station 2, at mula sa station 1.

Sa station 1 umano kasi ay may mga natural na break water kung kaya’t napipisa na agad ang alon bago makarating sa dalampasigan.

Ayon pa kay Labatiao, mas marami ang mga napapansin nitong nabibiktima ng pagkalunod sa mga naunang nabanggit na bahagi ng isla kung ikukumpara sa station 1.

Samantala, maliban sa mga natural na dahilan ng insidente ng pagkalunod sa isla, natuklasan din umano nito na halos nasa animnapung porsiyento ng mga nalulunod ay nasa impluwensya ng alak.

Magkaganon paman, iginiit parin ni Labatiao na sila sa Boracay Action Group, First Responder, Coastguard at PNP ay hindi nagkulang sa pagbabantay sa mga naliligo sa dagat ng “2012 World’s Best Beach Island”.

No comments:

Post a Comment