Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Sa kabila ng mga bali-balitang nakatanggap na di umano
walong milyong pisong pundo ang Barangay Manoc-manoc Council mula kay Pangulong
Benigno Aquino III para sa proyektong terminal sa Tambisaan Port, mariin naman
itong pinabulaanan Punong Barangay Abram Sualog.
Aniya, totoong humiling sila sa tanggapan ng Presidente may
katagal na rin.
Subalit sa kasalukuyan ay hinihintay pa nila ang pondong
ito, kasabay ng paglilinaw na walang katotohanan ang yaong mga bali-balitang
natanggap na ng Barangay ang funding para sa proyekto.
Kung maaalala, ang Manoc-manoc Council nitong taong 2011 ay humiling
na sila na sa Barangay Manoc-manoc ang magpagawa ang Terminal sa Tambisaan Port
at isa-ilalim ito sa Economic Enterprise Development Department ng Manoc-manoc.
Bagay na humingi sila ng pondo sa tanggapan ng Pangulo ng
bansa.
No comments:
Post a Comment