Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Nagpahayag ng pagkabahala si Sangguniang Bayan Member Dante
Pagsugiron, Chairman ng Committee on Environment, kaugnay sa napansin nitong
naglalakihang mga hose papuntang main road na ikinukonekta sa drainage upang
doon itapon ang waste water na nasipsip mula
sa isang ginagawang resort sa station 2.
Ayon kay Pagsugiron maliban sa pagkabahala nito dahil sa ang
mga hose ay “eyesore” o di kagandahan para sa mata ng mga turista.
Nagmamalasakit din umano ito dahil sa alam naman ng lahat sa
Boracay na ang drainage sa isla ay wala pang sistema at hindi pa ito natatapos.
Ang mga hose pa na ito ay matagal na umano nilang nakita na
nakakonekta sa drainage at nangangamba ito na baka mapuno na ng tubig ang
drainage at umapaw naman ito sa kalsada.
Dagdag pa dito, minsan na rin aniya niyang ininspeksiyon ang
area na ito at naipa-abot na rin sa tanggapan ng Engineering Department
partikular kay Malay Municipal Engineer Elezer Casidsid kung saan inihayag din
umano ng huli na bawal o hindi pwede ang ganitong gawain.
Kaya hiniling ngayon ng Pagsugiron sa konseho na tulungan
ito upang ipatigil ang ganitong gawain at abisuhan na rin ang kina-uukulang
para ipa-monitor ang nabanggit na resort.
No comments:
Post a Comment