YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, August 07, 2012

Mga estudyante sa Manoc-manoc, pahirapan sa pagsakay


Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay

Hirap di umano ang mga estudyante sa Manoc-manoc Elementary at National High School na sumakay ng tricycle nang ipatupad ang Color Coding Scheme sa Boracay.

Ito ang nabatid mula kay Boracay Land Transportation Multi-Purpose Cooperative (BLTMPC) Chairman Ryan Tubi, kung saan ang nabanggit na paaralan umano ay pormal na nag-paabot na ng kanilang reklamo sa tanggapan ng kooperatiba at gayong din sa tanggapan ng Alkalde kaugnay dito.

Sa apelang ipina-abot ng paaaralan, nakasaad aniya doon ang hirap na nadaranasan ng mga estudyante kapag papunta at pa-uwi ng paaralan.

Lalo na kapag ang ruta umano ng mga bangka ay nasa Tambisaan, kaya wala halos tricycle pumapasok papunta ng Manoc-manoc Plaza hanggang Cagban Area.

Kaya ayon kay Tubi, ang reklamong ito ang siyang ipapa-abot din nila sa lokal na pamahalaan ng Malay.  

Kung maaalala kasama sa kundisyon sa pagpapatupad ng coding ay kapag may reklamo na kinukulang na pumapasadang unit ay maaari na itong ipa-kansela lalo kung maraming nagrereklamo. 

No comments:

Post a Comment