YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, August 06, 2012

Bagong organisasyong JCI, magkakaroon ng signature campaign para sa proteksyon ng Boracay


Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay

Isang organisasyon na naman ngayon ang interesado at nagnanais na makatulong para sa proteksyon ng Boracay.

At kung ang lokal na pamahalaan ng Malay ay may “Sali ako Diyan” ang organisasyong Junior Chamber International o JCI ay may “Sama ka, Let’s protect Boracay” naman.

Layunin ng programang ito na magkaroon ng signature campaign na sisimulan ngayong araw.

Maliban sa pagnanais na ma-protektahan at ma-preserba ang Boracay ay adbokasiya din nila na makakalap ng pondo para maisailalim sa pagsasanay ang mga estudyante at bagong henerasyon ng isla kung papaano gagawin upang mapanatili ang ganda ng islang ito.

Kasama sa signature campaign na ito ang pagkalap ng piso sa bawat lalagda, na siyang gagamitin para sa lecture materials na gagamitin sa training ng bawat estudyante sa tulong at suporta rin ng DepEd.

Kaugnay nito, positibong pagbabago para sa isla ang target ng JCI at magagawa ito sa tulong ng bawat mamamayan, lokal na pamahalaan ng malay at BFI na nagpahayag na rin ng kanilang suporta sa programang ito.

No comments:

Post a Comment