YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, August 06, 2012

Isyu sa Circumferential Road ng Boracay, hindi pa nareresolba


Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay

Bagamat may mga bagay pang dapat plantsahin at kailangang resolbahin ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Public Works and High Ways (DPWH) kaugnay sa isyu ng Circumferential Road sa isla ng Boracay, inihayag ni Engr. Abraham Villareal, OIC District Engineer ng DPWH-Aklan, na nakatanggap na ng paabiso sa paraan ng Notice to Proceed ang DPHW para ituloy ang kontraksiyon ng kalsadang ito sa isla.

Kung maaalala, pansamantalang ipinatigil ng DENR Regional Office ang proyektong ito ng DPWH Regional Office-6 dahil sa may ilang bahagi ng protected area ng isla ang nasira o sinira nang ipatupad ang proyekto circumferential road.

Pero sa ngayon ayon kay Villareal, muling itinuloy ang konstraksiyon ng proyekto pero sa mga piling area lamang.

Aniya, iniwasan munang galawin ang mga nasa kritikal na bahagi ng proyekto hanggang sa mareresolba na ang problema sa gitna ng dalawang ahensiyang ito.

Sa usapin naman kaugnay sa road right of way o dadaanan ng proyekto sa back beach particular sa Bolabog area, aminado si Villareal na sa kasalukuyan ay hindi pa ito lubusang nasusulusyunan.

Matatandaang, naging kontrobersiyal ang proyektong ito nang tambakan ang bahagi ng lawa sa Balabag upang maging bahagi ng kalsadang ginagawa, gayon din ang pagdaan ng proyekto sa beach line ng Bolabog at may ilang lot owner o claimants ang ayaw ding magbigay daan para sa proyekto.

No comments:

Post a Comment