Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay
Opisyal nang kinumpirma at inilathala ng Philippine
Coastguard ang sumadsad at nasunog MV Shuttle Roro 1 sa Romblon noong nakaraang
Lunes.
Sa inilabas nitong report sa kanilang web site, nabatid na
napilitang sumilong muna ng nasabing barko sa Looc Bay, Romblon.
Nakasagupa umano kasi ito ng masungit na panahon dahil sa
hagupit ng bagyong si Gener.
Subali’t nabatid na sa kasamaang palad ay tuluyan itong
sumadsad hanggang sa magsimulang masunog at pinasaok ng tubig.
Dahil dito, kaagad nagdeklara si Captain Felix Solidio ng
abandone ship nang unti-unti na itong lumubog.
Napag-alamang galing Dumaguit papuntang Batangas ang
nasabing barko na may lulang limampu’t pitong pasahero at apa’t napu’t walong
crew.
Kaagad namang rumesponde ang Coastguard Romblon at nagsagawa
ng Search and Rescue Operation dahilan upang madala sa ligtas ng lugar ang mga
pasahero, kasama ng isang casualty na si Ernesto C. Flores.
Nasa halos pitumpong porsiyento na umano ang bahagi ng
nasusunog na barko nang maratnan ng Coastguard Romblon.
No comments:
Post a Comment