YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, August 06, 2012

JCI, naglunsad ng piso sa bawat lagda para sa proteksiyon ng Boracay


Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay

Kung ilang libo o milyon man ang kikitain mula sa Signature Campaign na ikinasa ng Junior Chamber International (JCI) na pinangalanang “Sama Ka, Lets Protect Boracay”, siya ding gagamiting pondo para sa kanilang programa sa Boracay na bigyan ng sapat na kaalaman ang mga kabataang estudyante dito sa tulong ng Department of Education ng tamang pangangalaga sa kalikasan at sa islang ito.

Sa bawat lalagda na makakalap na siyang pagpakita ng kanilang pangako na po-protektahan din ang Boracay, piso ang kapalit nito.

Nabatid sa press conference nitong tangghali ng JCI na ang pisong maiipon mula dito ay siyang pundo din nila para sa mga lecture materials na ipapamigay at gagamitin ng mga estudyante sa isla.

Bagamat sila umano sa JCI ay walang pondo para dito, ang maitutulong umano nila ay pukawin o kalampagin ang damdamin ng iba’t ibang pribadong indibidwal o organization maging mga stakeholder upang sopurtahan ang adbokasiyang ito na “Sama Ka, Lets Protect Boracay”.

Positibo naman ang pananaw ng JCI na magiging matagumpay ang programang ito, gayong sila ay nais din nilang proteksiyunan ang Best Beach in the World na titulong iginawad sa Boracay. 

No comments:

Post a Comment