Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay
Mayroon nang megaphone, pito at teleskopyo, dagdagan pa ng 8
to 5 na pagbabantay ng mga sinanay na lifeguard sa limang tower sa beach front
ng Boracay.
Subali’t aminado pa rin ang lifeguard na hanggang sa ngayon
ay may mga insidente pa rin ng pagkalunod sa isla, sa kabila ng umano’y
mahigpit nilang pagmomonitor at pagpapatrolya lalo na kapag masama ang panahon.
Ayon kay lifeguard commander Mike Labatiao, maliban sa may
mga gustong maligo sa dagat na talagang dine-dedma ang mga kanilang mga paalala
kahit malakas ang alon, sinabi nitong kapag habagat at masama ang panahon, ang
buhangin sa ilalalim ng tubig ay hindi pantay at palalim ng palalim papuntang
gitna.
Dahilan ng mas malaking tsansa ng isang swimmer na mataranta
at malunod.
Bagay na itinuro nito ang ipinagkaiba ng sitwasyon ng
buhangin sa dalampasigan ng sitio Angol station 3 papuntang station 2, at mula
sa station 1.
Sa station 1 umano kasi ay may mga natural na break water
kung kaya’t napipisa na agad ang alon bago makarating sa dalampasigan.
Ayon pa kay Labatiao, mas marami ang mga napapansin nitong
nabibiktima ng pagkalunod sa mga naunang nabanggit na bahagi ng isla kung
ikukumpara sa station 1.
Samantala, maliban sa mga natural na dahilan ng insidente ng
pagkalunod sa isla, natuklasan din umano nito na halos nasa animnapung
porsiyento ng mga nalulunod ay nasa impluwensya ng alak.
Magkaganon paman, iginiit parin ni Labatiao na sila sa
Boracay Action Group, First Responder, Coastguard at PNP ay hindi nagkulang sa
pagbabantay sa mga naliligo sa dagat ng “2012 World’s Best Beach Island”.
No comments:
Post a Comment