Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Komunidad pa rin ang may malaking papel para makaiwas sa
nakakamatay na sakit na dengue lalo na ngayon pagpasok ng tag-ulan.
Ayon kay Dr. Adrian Salaver, Municipal Health Officer ng
Malay, hindi lamang dapat iisang bahay ang naglilinis o lilinisin, gayong ang
lamok na nagdadala ng sakit na ito ay palipat-lipat aniya ng lugar.
Dagdag pa nito, ang pakiki-isa umano ng buong komunidad ay mahalaga
pa rin para maiwasan ang pagdami ng lamok.
Subalit kapag may nakita umanong isang lugar sa pamayanan ng
maaring pagitlugan ng lamok lalo na ngayong tag-ulan, hiling ng doctor na sana
ay ipagbigay alam na ito sa Municipal Health Office upang malagyan ng kemikal at
hindi na mapangitlugan pa ng mga insektong ito.
Kaya naman, mas mainam aniya sa sitwasyong ganito kung may
close coordination ang publiko sa Municipal Health Office, gayong ang sakit na
ito ay dapat buong taon ding pinaghahandaan, sa paraan ng palilinis.
Ang panayam na ito kay Salaver ay kasunod ng napabalitang may
isang kaso ng dengue na naitala nitong nagdaang lingo sa Boracay, gayong din sa
ibang bayan sa Aklan.
Matatandaang ang buwan ng Hunyo ang buwan na siyang
itinuturing na panahong kung saan marami ang nagkakasakit ng dengue.
No comments:
Post a Comment