Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Hindi pa ramdam sa Boracay ang pagbaba ng bilang o tourist
arrival ng mga Chinese National na bakasyunista batay sa obserbasyon kahapon ng
Municipal Tourism Office/MTO sa Caticlan Jetty Port.
Ayon kay Richan Casidsid ng MTO, sa kabila ng advisory ng
Chinese government sa kanilang mga kababayan na wag magtungo sa Pilipinas,
nanatiling walang ipinagbago umano o normal pa rin ang pagdagsa ng mga Tsino
papuntang Boracay kung ikumpara nitong mga nagdaang araw at buwan.
Ito ay batay aniya sa datus na nakalap nila mula sa Boracay
o Caticlan Airport at Jetty Port.
Gayon pa man naniniwala si Casidsid na hindi ito ramdam sa
ngayon dahil ang mga arrivals simula kahapon ay matagal nang naka-booking kaya
hindi pa naabutan ng travel advisory ng China.
Ang pahayag na ito ni Casidsid ay kasunod ng napabalitang
pagkansela sa bookings ng mga Chinese National na magbabakasyon sa Boracay,
dahil na rin sa isyung namamagitna sa China at Pilipinas kasabay ng inilunsad
na Anti- China Rally sa bansa.
No comments:
Post a Comment