Pages

Sunday, May 13, 2012

“Close coordination” at paglilinis sa buong komunidad, solusyon sa Dengue


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Komunidad pa rin ang may malaking papel para makaiwas sa nakakamatay na sakit na dengue lalo na ngayon pagpasok ng tag-ulan.

Ayon kay Dr. Adrian Salaver, Municipal Health Officer ng Malay, hindi lamang dapat iisang bahay ang naglilinis o lilinisin, gayong ang lamok na nagdadala ng sakit na ito ay palipat-lipat aniya ng lugar.

Dagdag pa nito, ang pakiki-isa umano ng buong komunidad ay mahalaga pa rin para maiwasan ang pagdami ng lamok.

Subalit kapag may nakita umanong isang lugar sa pamayanan ng maaring pagitlugan ng lamok lalo na ngayong tag-ulan, hiling ng doctor na sana ay ipagbigay alam na ito sa Municipal Health Office upang malagyan ng kemikal at hindi na mapangitlugan pa ng mga insektong ito.

Kaya naman, mas mainam aniya sa sitwasyong ganito kung may close coordination ang publiko sa Municipal Health Office, gayong ang sakit na ito ay dapat buong taon ding pinaghahandaan, sa paraan ng palilinis.

Ang panayam na ito kay Salaver ay kasunod ng napabalitang may isang kaso ng dengue na naitala nitong nagdaang lingo sa Boracay, gayong din sa ibang bayan sa Aklan.

Matatandaang ang buwan ng Hunyo ang buwan na siyang itinuturing na panahong kung saan marami ang nagkakasakit ng dengue.

No comments:

Post a Comment