Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Kinumpirma na ngayong hapon ni Kalibo International Airport (KIA)
Manager Percy Malonesio na kinansela na ang International Flight ng China ng
papuntang Kalibo simula kahapon, Mayo 15.
Sa komunikasyon na ipinadala umano ng Philippine Airline (PAL)
kay Malonesio, pansamantala muna nilang ititigil ang beyahe dito epektibo
kahapon.
Gayong pansamantala lamang, sinabi ng Manager na babalik
naman ang operasyon ng International Flight ng PAL sa hindi pa malamang petsa.
Pero nilinaw ni Malonesio na tanging ang China papunta
Kalibo lamang ang nagkansela ng biyahe.
Samantala, ang biyahe mula at papuntang Taipei, Hong Kong at
South Korea ay wala naman umanong problema sa ngayon.
No comments:
Post a Comment