Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Nakabuo na ng proposisyon ang Sanguniang Bayan ng Malay para
mabigyan ng solusyon ang suliranin ukol sa circumferential road sa Boracay.
Sa session kahapon ng konseho, inamin ni Engr. Tabuena, OIC
District Engineer ng DPWH Aklan, na hininto sa kasalukuyan ang ginagawang
pagtatambak sa bahagi ng lawa sa Balabag kung saan dadaan ang proyekto.
Pero dahil sa ang DPWH Regional Office umano ang gumagawa ng
Phase 3 ng proyektong ito, sa ngayon ay hindi pa aniya nila batid kung ano ang
resulta, ngunit sa pagkaka-alam umano nito ay hinihintay na lang ang
environment compliance certificate (ECC) mula sa DENR
Maliban dito, ang problema umano sa Bolabog area upang mai-konekta
ang kalsada o proyektong ito sa Main Road ay isa pa sa tinututukan nila.
Dahil sa kawalan ng “road right of way”, kaya ang isa sa
plano ay idaan ito sa baybayin.
Ngunit hindi dito sang-ayon ang konseho, kaya nagpasya ang
mga ito tumulong sa negosasyon para mai-iwas sa beach ang proyekto, gayong ang
may-ari lang din ng mga lupain ito ay kamag-anak lang din ng ilang miyembro ng
konseho.
No comments:
Post a Comment