Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Muling ibinaba ng Aklan Electric Cooperative (Akelco) ang taripa
sa per kilowatt hour sa residential epektibo ngayong bayaran ng buwan ng Mayo.
Sa kalatas na ipinalabas ng Akelco halos P0.25 sentimos ang
ibinababa sa rate ng Akleco sa residential consumers.
Bunsod nito, mula sa P10.66 kada kilowatt hour para sa
residential, inaasahang aabot na lang ito ngayon ng P10.42.
Samantala, para naman sa komersiyal na mga konsyumer, P0.26 sentimos
ang ibabawas mula sa presyo nitong nasa P9.70 at ngayon ay P9.40 na lamang.
Kung maaalala, ito na ang ikalawang beses na nagbaba ng rate
ang Akelco ngayong taon.
Gayon pa man, nagpaalala pa rin ang Akelco na magtipid sa
pag-gamit ng kuryente.
No comments:
Post a Comment