Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Bukas ay nakatakdang
sampahan ng kasong Frustrated Homicide ang isang security guard na naka-duty sa
exit area ng Caticlan Jetty Port, dahil sa di umano ay pagbaril nito sa
isang dispatcher ng L300 van nitong banda alas-8:45 ng umaga.
Ayon kay
Insp. Mark Cordero, hepe ng Malay Police, pinagsabihan umano ng 34-anyos na
guwardiyang si Allan Delos Angeles ang 50-anyos na dispatser na si Carlos
Pamat, kapwa taga-Caticlan, na tanggalin ang tent sa area na ito batay sa utos
ng pamunuan ng pantalan.
Subalit nagkainitan
umano ang diskusyon ng dalawa hanggang sa humangtong sa suntukan at mula doon
ay pinaputukan ng guardiya ang dispatcher.
Tama naman sa
kanang bahagi ng tiyan ang pinsalang natamo ng biktima kung saan sa impormasyon
umanong nakalap ng Hepe ay agaw buhay ang
nasabing dispatcher sa isang pagamutan sa bayan ng Kalibo.
Agad naman aniyang
sumuko kay Caticlan Punong Barangay Julieta Aron ang suspek, at nakuha mula
dito ang 9mm pistol at mga bala, na kasalukuyang nasa kustudiya na ng Malay
Pulis.
No comments:
Post a Comment