Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Ramdam na umano ng pamahalaang lokal ng Malay na kailangan
na ngang paunlarin ang Tambisaan Port na siyang nagsisilbing pantalan para sa
mga pasaherong turista o residente man ng Boracay kapag dumating ang Habagat
Season.
Ngunit balakid ngayon sa balak na pag-sasaayos ng LGU sa
pantalan na ito ay ang sitwasyon ng lupain kaya hindi pa magalaw-galaw, ayon
kay Malay Administrator Godofredo Sadiasa ang area na ito na siyang
paglalatagan ng proyekto.
Gayunpaman, naniniwala itong hindi naman siguro ganoon
kahirap ang sitwasyon sa Tambisan Port na matagal sa pagpapababa sa mga
pasahero mula sa mga bangka at kailangang mag-antay ang iba o pumila.
Kung nasusunod lang aniya ang kanilang regulasyon na matapos
bumaba ng mga pasahero ay alisin din agad ang bangka para makadaong din ang iba.
Samantala, batid rin umano ngayon ng LGU na kailangan talaga
na magkaroon ng palikuran sa pantalang ito, kaya ang kasalukuyang pampublikong
palikuran doon ay siya nalang aniya ang aayusin nila.
Sa bahagi naman ng pamahalaang probinsiya, sinabi ni Aklan
Governor Carlito Marquez, na ang suliranin sa Tambisan Port ay ipa-abot nito sa
Provincial Tourism Council ng Aklan para ayudahan ang LGU Malay.
No comments:
Post a Comment