Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Apat na taon simula ngayong taong 2012 ay makakatanggap ng
aid o tulong ang probinsiya ng Aklan mula sa Australian government na nagkakahaaga ng P4.3 B.
Ito nag kinumpirma ni Aklan Governor Carlito Marquez sa
panayam dito kung saan, ang perang ipagkakaloob sa Aklan ay gagamitin para sa
pagsasa-ayos sa farm to market road sa paglalayun mapa-unlad ang kabuhayan at
agrikultura ng Aklanon.
Sa kasalukuyan nabaitd mula sa gobernador na nagkakaroon na
ng inspeksiyon ang Australian government sa area o bayan ng Madalag at Libacao,
na siyang makakabenipisyo sa nasabing programa.
Bunsod nito, aasahan aniya na ilang opisyal at namumuno ng
mga departamento sa probinsiya ay ipapadala sa para sa pagsasanay sa banasang Austrilla bilang bahagi sa pagtupad
sa kasunduan.
Bagamat ang bagay na ito ay kumpirmadong matutuloy na ayon
kay Marquez na magtatapos hanggang taong 2015.
Kasalukyan ay inihahanda na umano nila ang ilang pa sa mga
requirements na hinihinggi ng mga dayuhang ito na nais magpa-abot ng tulong sa pamahaalaan
sa Aklan.
No comments:
Post a Comment