Posted December 16, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Pinangunahan ni
Executive Secretary Rowen Aguirre kasama si Sangguniang Bayan Member Nenette Graf ang paglalagay ng mga signages sa
Bolabog Beach nitong nakaraang araw.
Sinimulan nila
ang paglalagay ng mga signages sa front beach upang mag-paalala sa mga dumadayo
doon kabilang ang mga turista kung ano ang mga patakarang ipinapatupad ng LGU-Malay
sa number one tourist destination sa bansa na isla ng Boracay.
Nabatid na nakapaloob
sa naturang signage board ang mga dapat at hindi dapat gawin kapag nasa
dalampasigan o beachline.
Sa kabilang
banda, ang paglalagay umano ng signages sa front beach ay bahagi ng pagbibigay
paalala sa mga tao na dapat nating pangalagaan ang ipnagmamalaki nating puting
buhangin at para sa kalinisan ng isla.
Kasabay nito,
magpapakalat din ng mga miyembro ng Malay Auxilliary Police (MAP) sa lugar
upang mabantayan at hulihin ang sinuman na lumalabag sa ipinapatupad na mga
ordinansa.
No comments:
Post a Comment