Ni Inna Carol L.
Zambrona at Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Nakahanda na ang Municipal Disaster Risk Reduction Office
o MDRRMO lalo na ngayong panahon ng holidays at Christmas season kung saan
naglagay na sila ng Red at Yellow flag sa front beach para malaman ng publiko
na ligtas ditong maligo.
Ayon kay Greg Ong at Nonah Delo Santos ng MDRRMO, mayroon
umanong indikasyon upang malaman na ligtas ang nasabing lugar at ito ay sa
pamamagitan ng mga nakalagay na red at yellow flags at sinisiguradong may
nakaduty na lifeguard.
Anila, may mga taong nagbabantay sa mga baybayin ng isla
at sa taas na rin ng life guard tower, para i-monitor ang pangyayari sa beach,
at ang iba ay nagro-roving din.
Nag-paabot naman ng mensahe ang mga lifeguard ng Boracay
sa mga turistang naliligo at maliligo sa baybayin ng isla na maging responsable
din sa mga alintuntuning ipinapatupad ng MDRRMO at Boracay Lifegurads upang
maiwasan ang mga disgrasyang pwedeng mangyari lalo na’t papalapit na ang super
peak season at aasahang dagsa na naman ang mga magbabakasyon sa isla ng Boracay.
Samantala, ang pagbabantay sa mga baybayin sa isla ay ginagawa
ng Boracay Lifeguards mula alas-siyete ng umaga hanggang alas-siyete ng gabi.
Habang bukas naman 24 hrs.ang kanilang Command Center para sa anumang concern
ng publiko at anumang tulong na maaari nilang hingin sa mga Boracay Lifeguards.
No comments:
Post a Comment