Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Kinumpirma ng pamilya Quimpo na pumanaw na sa edad na 71-
anyos ang dating Kalibo Mayor, dating Aklan Lone District Representative at
Presidente ng Northwestern Visayan Colleges Congressman na si Atty. Allen
Quimpo.
Napag-alamang ito ay binawian ng buhay bandang alas- dos
ng madaling-araw dahil sa karamdaman na Pancreatic Cancer kung saan nasa stage
4 na umano ito.
Si Quimpo ay nagsilbing Alkalde sa Bayan ng Kalibo sa
loob ng siyam na taon at nahalal din bilang Congressman ng Aklan kung saan
natapos din ng huli ang kanyang tatlong termino.
Bago ang kanyang pagpanaw, nanunungkulan si Quimpo bilang
Presidente ng Northwestern Visayan Colleges o NVC sa bayan ng Kalibo.
Ikino-konsidera ring isang environmentalist si Quimpo
dahil sa adbokasiya nitong protektahan ang kapaligiran kung saan siya ang
chairman ng Kalibo Save the Mangrove Association (KASAMA).
Ikinalungkot naman ng mga Kalibonhon at mga Aklanon lalo
na ng mga malapit sa kanya ang malungkot na balita ngayong araw.
No comments:
Post a Comment