Pages

Friday, December 16, 2016

Signages para sa Rules and Regulation sa baybayin ng Boracay, nailagay na

Posted December 16, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

No automatic alt text available.Pinangunahan ni Executive Secretary Rowen Aguirre kasama si Sangguniang Bayan Member  Nenette Graf ang paglalagay ng mga signages sa Bolabog  Beach nitong nakaraang araw.

Sinimulan nila ang paglalagay ng mga signages sa front beach upang mag-paalala sa mga dumadayo doon kabilang ang mga turista kung ano ang mga patakarang ipinapatupad ng LGU-Malay sa number one tourist destination sa bansa na isla ng Boracay.

Nabatid na nakapaloob sa naturang signage board ang mga dapat at hindi dapat gawin kapag nasa dalampasigan o beachline.

Image may contain: one or more people, people standing, sky, tree, child and outdoorSa kabilang banda, ang paglalagay umano ng signages sa front beach ay bahagi ng pagbibigay paalala sa mga tao na dapat nating pangalagaan ang ipnagmamalaki nating puting buhangin at para sa kalinisan ng isla.

Kasabay nito, magpapakalat din ng mga miyembro ng Malay Auxilliary Police (MAP) sa lugar upang mabantayan at hulihin ang sinuman na lumalabag sa ipinapatupad na mga ordinansa.

No comments:

Post a Comment