Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Dahil sa mas pinaigting na kampanya laban sa iligal na
droga ng Duterte Administration, 138 na umano ngayon na mga drug user at pusher
ang naaresto ng mga kapulisan simula Hulyo 1 hanggang Disyembre 4, 2016.
Ayon kay Provincial Intelligence Branch head Chief
Inspector Bernard Ufano, sa 112 umanong naaresto nila at sumuko, 87 dito ang
kabilang sa watchlist, kung saan siyam na lang umano ang hindi nahuli dahil
posibleng umalis na ito sa probinsya ng Aklan.
Kaugnay nito, nabatid na sa 214 na Barangay na apektado
ng naturang kampanya, 62 na sa mga ito ang malinis na sa iligal na droga.
Samantala, target naman ng kanilang opisina na maging
100% drug free ang probinsiya ng Aklan bago matapos ang taong 2016.
Sa ngayon, ay umabot na umano sa 1, 873 ang drug surrenderees sa Probinsya
No comments:
Post a Comment