Posted December 16, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Laman ng
Privilege Speech ni Liga President Julieta Aron nitong Martes sa 22nd Regular
Session ang tungkol sa serbisyo ng Malay Water District o MWD na siyang nagsusuplay
ng tubig sa Mainland Malay.
Ito ay kaugnay sa
mga reklamo ng mga residente kung saan hanggang sa ngayon ay nananatili pa ring
problema.
Dahil dito,
iminungkahi ni SB Pagsuguiron na dapat ipatawag ang mga water utilities o
providers dito sa Malay.
Dagdag pa ni
Bautista na suriin muli ang MOA sa gitna ng LGU at ng dalawang kompanya na Malay
Water District (MWD) at Boracay Island Water Company (BIWC) na sinang- ayunan
naman ni Aron.
Nabatid na kung
ikukumpara umano ang bayad per cubic meter di hamak na mas mababa ang nasa huli
kesa sa MWD.
Samantala, itong usapin
ay napagkasunduan na tatalakayin sa susunod na sesyon at ipatatawag ang Boracay
Water Company o (BIWC), Malay Water District o MWD, Local Water Utilities
Administration o LWUA at representante ng Office of the Mayor.
No comments:
Post a Comment