YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, December 14, 2016

Boracay PNP, nagbabala kaugnay sa budol-budol operation sa isla

Posted December 14, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image may contain: one or more people and people sittingPinag-iingat ngayon ng mga taga Boracay PNP ang lahat ng mga establisyemento, souvenir shops, pharmacies at lahat ng tindahan sa isla ng Boracay.

Ito ay kaugnay sa umano’y modus ng Budol-budol Gang kung saan nambiktima na ngayon ng ilang tindahan at restaurant sa isla.

Image may contain: one or more peopleAng diskarte o mudos umano ng mga ito ay lituhin at salisihan ang bantay o kahera sa pamamagitan ng biglaang pagpalit ng pera.

Halimbawa, magbabayad ang suspek ng isang libo, sa oras na matanggap ng kahera ang pera ay agad namang sasabihing hindi na nila ito bibilhin sabay bawi ng pera at agad-agad nitong papalitan ng isang daan at sasabihin sa cashier na isandaan lang ang naisauli.

Sa panayam naman ng himpilang ito kay SPO1 Christopher Mendoza ng Boracay PNP, ipinapaabot nila sa publiko na maging alerto sa mga nangyayaring ganito, magkaroon ng presence of mind, at huwag magpadala sa mga matatamis na salita.

Ayon pa kay Mendoza, nagsisilabasan ang ganitong grupo sa tuwing papalapit na ang pasko kasabay ng kanilang ginagawang modus operandi.

Kung sakali aniyang maka-encounter ng ganitong pangyayari, agad itong ipaalam sa mga otoridad.

Samantala, mag-iikot na umano ang grupo ng pulisya sa isla para i-monitor ang nasabing panloloko.

No comments:

Post a Comment