Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Nakalatag ang preparasyon ng Caticlan Jetty Port sa
mas pinaigting na seguridad sa inaasahang pagdagsa ng maraming pasahero at
turista ngayong holiday season.
Sa pahayag ni Jetty Port Administrator Niven Maquirang,
nagpulong na umano sila ng transport team, Coast Guard at mga operator ng
bangka kung ano ang mga hakbang na kanilang gagawin sa oras na dumami na ang
mga turista na magpapasko at magbabagong taon sa isla.
Aniya,pinasiguro naman nito na maayos ang daloy ng mga
gagamiting bangka hindi tulad umano noong nakaraang taon na marami silang
natanggap na reklamo dahil kakulangan ng bangka at bagal na daloy ng byahe.
Kaugnay nito, inaayos na nila ang pag-operate ng mga
tricycle, multicab at mga private vehicle dahil posible umanong limitahan ang
pag-operate ng mga ito upang maiwasan ang trapiko sa daan.
Hihigpitan din ang pagbabantay ang Philippine Coastguard,
Philippine National Police at iba pang ahensya na magpapatupad ng mahigpit na
seguridad.
Pinaalalahanan din ni Maquirang ang lahat ng mga pasahero
na makipagtulungan sa kanila at sundin ang mga ipinapatupad na protocol ng
Jetty Port.
Samantala, inaasahan ang pagdagsa lalo na ng mga Korean
at Chinese tourist sa huling quarter ng taon kung saan target ng DOT ang
1.7-Million tourist arrival para sa taong 2016.
No comments:
Post a Comment