Ni Danita Jean A. Pelayo,
YES FM Boracay
Nagpapagaling na sa ngayon sa Aklan Provincial Hospital
ang isang fish vendor matapos na barilin sa tapat ng isang paaralan kagabi.
Ayon sa live- in partner ng biktima na kinilalang si
April Gay Salonzo, nag-uusap di umano silang dalawa ng bigla na lamang dumating
ang suspek na kinilalang si Mark Jojo Maayon Taligatos, 24- anyos, construction
worker at residente ng Purok 6 C. Laserna St. at nagsabi ng “Kursunada mo ako
meg ay”? na agad namang sinagot ng biktima ng “Uwa meg ah”.
Subalit sa hindi malamang dahilan, ay bigla na lamang umano
siyang sinuntok ng suspek. At para makaiwas sa gulo, tumakbo papalayo ang
biktima.
Ngunit hinabol umano ito ni Taligatos, na napag- alamang
may dalang armas at dito na nga binaril ng suspek ang biktima kung saan nagtamo
ito ng tama sa kanang dibdib.
Sa ngayon, patuloy na ang manhunt operation ng mga
kapulisan para madakip ang nasabing suspek.
No comments:
Post a Comment