Posted December 14, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Pinagkasunduan
ngayon ng Sangguniang Bayan ng Kalibo sa pangunguna ng Committee on Tourism at
ang mga negosyante, na ipagbabawal na ang pagdadala ng bote ng inumin habang
nagsasadsad sa Kalibo Ati-atihan Festival.
Ayon kay SB
Philip Kimpo Jr., hindi naman ipinagbabawal ang pag-inom sa kasagsagan ng
festival, subalit paalala lang nito sa mga negosyante na huwag ipadala sa mga
bibili ang babasaging bote at dapat lang aniyang inumin ito sa kanilang
tindahan o ilagay sa plastic.
Nabatid kasi na noong
nakaraang taon, base sa rekord ng Kalibo PNP, dahil umano sa kalasingan ay
naghahasigisan na ang mga ito ng bote ng alak.
Samantala,
siniguro naman ng mga negosyante na sila ay makikipagtulungan sa naturang ordinansa.
No comments:
Post a Comment