Pages

Monday, December 12, 2016

Red at Yellow flag sa front beach, inilagay ng Boracay Lifeguards para sa ligtas na paliguan ngayong Holiday Season

Posted December 12, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona at Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Nakahanda na ang Municipal Disaster Risk Reduction Office o MDRRMO lalo na ngayong panahon ng holidays at Christmas season kung saan naglagay na sila ng Red at Yellow flag sa front beach para malaman ng publiko na ligtas ditong maligo.

Ayon kay Greg Ong at Nonah Delo Santos ng MDRRMO, mayroon umanong indikasyon upang malaman na ligtas ang nasabing lugar at ito ay sa pamamagitan ng mga nakalagay na red at yellow flags at sinisiguradong may nakaduty na lifeguard.

Anila, may mga taong nagbabantay sa mga baybayin ng isla at sa taas na rin ng life guard tower, para i-monitor ang pangyayari sa beach, at ang iba ay nagro-roving din.

Nag-paabot naman ng mensahe ang mga lifeguard ng Boracay sa mga turistang naliligo at maliligo sa baybayin ng isla na maging responsable din sa mga alintuntuning ipinapatupad ng MDRRMO at Boracay Lifegurads upang maiwasan ang mga disgrasyang pwedeng mangyari lalo na’t papalapit na ang super peak season at aasahang dagsa na naman ang mga magbabakasyon sa isla ng Boracay.

Samantala, ang pagbabantay sa mga baybayin sa isla ay ginagawa ng Boracay Lifeguards mula alas-siyete ng umaga hanggang alas-siyete ng gabi. Habang bukas naman 24 hrs.ang kanilang Command Center para sa anumang concern ng publiko at anumang tulong na maaari nilang hingin sa mga Boracay Lifeguards.

No comments:

Post a Comment