Posted July 2, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Kasado na umano
ang preparasyon sa isasagawang registration ng mga botante para sa SK at Brgy.
Election 2016 sa Comelec Malay.
Ito ngayon ang
sinabi ni Malay Comelec Election Officer II Elma Cahilig, kung saan nakahanda
na umano ang kanilang opisina sa pagdagsa ng mga botanteng magpapa-rehistro sa
nalalapit na eleksyon sa Oktubre.
Sa mga
magpapa-rehistro para sa SK Elections, mag-uumpisa ito sa Biyernes Hulyo a-kinse
at magtatapos naman sa Hulyo a-trenta-uno kung saan bukas parin ang kanilang
opisina sa araw ng Sabado at linggo alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng
hapon.
Nabatid na ang
edad na pwedeng kumandidato sa Sangguniang Kabataan ay edad 18-24 anyos habang
ang kwalepikado namang edad sa pagboto dito ay 15-30 anyos.
Ang bagong panuntunan
ay base sa bagong ibinabang resulosyon ng Commission on Election (COMELEC).
Samantala, sinabi
pa ni Cahilig na hindi sila tumatanggap ng mga mag-tatransfer na mga botante
sapagkat ang kwalipikado lamang dito ay ang bagong botante, koreksyon ng
pangalan at may biometrics failure.
No comments:
Post a Comment