Posted July 15, 2016
Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Isa na namang karangalan ang nakuha ng bayan ng Malay
matapos ang isinagawang 4th Regional Competitiveness Summit Cities & Municipalities
Index Awards nitong Hulyo 14 sa Philippine International Convention Center sa Pasay
City.
Ito’y matapos mapabilang ang nasabing bayan sa 1st-2nd
Class Municipalities Category kung saan nakakuha ito ng mga award na ranked 5th
sa Economic Dynamism, ranked 13th sa Government Efficiency, 2nd Place sa
Infrastructure, at ranked 4th sa Overall 1st - 2nd Class Municipalities
Category sa higit kumulang isang libo at tatlong daang munisipalidad sa buong
bansa.
Ibinigay naman ang pagkilalang ito ng National
Competitiveness Council para sa 2016 cities at municipalities Competitiveness
Index (CMCI) sa pamamagitan ng Regional Competitiveness Committees (RCCs) at sa
tulong ng Estados Unidos Agency para sa International Development.
Sa kabilang banda ang probinsya naman ng Aklan ay nakakuha
ng 8th place sa competitive provinces kung saan nangunguna dito ang Rizal
sumunod ang Cavite, Cotabato, Laguna, North Cotabato, Sultan Kudarat, Bataan,
Batangas at La Union.
Ang naturang parangal ay personal namang tinanggap ni
Malay Mayor Ciceron Cawaling kasama ang mga department heads ng nasabing bayan.
No comments:
Post a Comment