Posted July 11, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
www.tropicalislands64.com |
Nasa ikalawang puwesto ngayon ang isla ng Boracay sa Top
10 World’s Best Islands ng kilalang magazine na Travel and Leisure na nakabase
sa New York City.
Nakakuha ng score na 90. 47 ang Boracay na siyang
pumapangalawa sa nahirang na number 1 na Palawan na may score namang 93.
Dahil dito nagpasalamat naman si Malay Tourism Officer
Felix Delos Santos dahil sa hindi parin nawawala sa listahan ang isla ng
Boracay kung saan patuloy parin umano itong namamayagpag sa buong mundo.
Ayon kay Delos Santos, ang iniaalok umanong magagandang
serbisyo sa isla at ang tourism experience maliban sa long beach ang siyang
nagpapahanga sa mga turista na dumadayo sa Boracay.
Kabilang naman sa top 10 ang volcanic island ng Ischia sa
Italy na siyang third place, sumunod ang Waiheke Island sa New Zealand at
romantic Greek island ng Santorini na siya namang kinilala sa ikalimang puwesto.
Nasa ika-anim na puwesto naman ang Cebu City, sumunod ang
Maui sa Hawaii at Hilton Head Island sa South Carolina habang Kauai island sa
Hawaii din ang ika-9 at pang-10 naman ang Bali Indonesia.
Nabatid na ang isla ng Boracay ay kinilala din noon ng
Travel and Leisure na siyang nasa ranked number 2 noong 2013 at No.1 noong 2012.
No comments:
Post a Comment