Posted July 13, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sa layuning mapanatili ang kalinisan ng Boracay nasa
plano umano ngayon ng bagong DOT secretary na si Wanda Corazon Teo na makipagtulungan
sa mga business establishments sa isla at sa Department of Natural Resources
(DENR).
Sa inilabas na pahayag ni Teo kamakailan nais umano ng DOT
na hikayatin ang mga may ari ng hotel at resort sa Boracay na gumawa ng “green
teams” para mamintina ang “sustainability” sa isla.
Nabatid na ang green team ay isang pag-uusap o diskusyon na
kung ano ang dapat na e-improved sa mga tuntunin sa pagpapanatili ng kagandahan
ng Boracay.
Kaugnay nito sinabi naman ni DOT 6 Tourism Operations
Officer I at Boracay Team Leader Kristoffer Leo Velete na handa silang
makipagtulungan sa mga stakeholders sa isla alinsunod sa ninanais ni Teo.
Ngunit sa ngayon umano ay wala pa silang natatangap na
memo o go signal mula sa itaas para sa pagsisimula ng naturang programa.
Ang isla ng Boracay ay isa sa mga top beaches at tourist
destinations sa Pilipinas, kung saan kinilala din ito ngayon bilang second best
island in the world, ayon sa New York City-based travel magazine na
Travel+Leisure.
No comments:
Post a Comment