Posted July 15, 2016
Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Nasa kabuuang bilang na 594 na ang mga drug surrenderees
sa Probinsiya ng Aklan simula ng umarangkada ang Oplan Tokhang noong nakaraang
Hulyo 1 na magtatapos naman ngayong araw Hulyo 15, 2016.
Ito ang sinabi ni PO3 Nida Gregas, Public Information
Officer (PIO) ng Aklan Police Provincial Office (APPO) sa kanilang nagpapatuloy
na pang-hihikayat sa mga drug personalities na sumuko sa mga pulis.
Ayon kay Gregas, maaari pa umano itong madagdagan ngayon
hanggang mamayang hating gabi dahil sa marami paring mga police station sa
probinsya ang nagsusumite ng mga listahan ng mga sumukong drug personalities sa
kanilang lugar.
Samantala, magtatapos naman ang bilangan ng mga drug
surrenderees mamayang alas-12 ng hating gabi kung saan ang mga sumuko ay
kinabibilangan ng pusher/user.
Ang programang Oplan Tokhang (Toktok Hangyo) ng
Philippine National Police (PNP) sa pamumuno ni Chief Director General Ronald
“Bato” Dela Rosa ay mahigpit itong ipinapatupad para mabigyan ng pagkakataon
ang mga gumagamit ng illegal na droga na magbago.
No comments:
Post a Comment