YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, July 14, 2016

93 mga drug personalities sumuko sa bayan ng Nabas, bago magtapos ang Oplan Tokhang

Posted July 14, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Umabot sa 93 ang drug pushers at user na sumuko sa mga otoridad sa bayan ng Nabas kahapon kaugnay sa Oplan Tokhang (Toktok-Hangyo) operation na nag-simula noong Hulyo-1 na magtatapos bukas araw ng Biyernes.

Ganap na alas-8 kagabi ng isagawa ang pagpupulong sa mga drug personality sa Nabas, Elementary School kung saan 16 na Brgy. ang kabilang dito na dinaluhan naman ng kanilang mga Brgy. kapitan.

Sa pangunguna mismo ni Chief Inspector Reynante Matillano ng Nabas, Mayor James Solanoy, Prosecutor Chris Gonzales at Maya Tolentino ipinaliwanag sa mga sumuko ang mga bagay-bagay na nakapaloob sa pipirmahang affidavit.

Nabatid na kung sino man ang mag-negatibo sa mga sumuko ay sasailalim parin ito sa obserbasyon ng kanilang Brgy. Captain habang sa magiging positibo naman ay isasailalim sila sa rehabilitation.

Napag-alaman na sa 91 sa mga sumuko ay mga lalaki habang dalawa naman ang mga babae kung saan ilan din sa mga sumuko sa nasabing bayan ay hindi kabilang sa kanilang drug watchlist.

No comments:

Post a Comment