Posted July 13, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Muli na namang napag-usapan sa Sangguniang Bayan ng Malay
ang problema sa pontoon sa Tabon Port na siyang alternatibong daan tuwing
Habagat sa Boracay.
Sa 2nd Regular Session ng Malay nitong Martes
dito tinalakay ng konseho ang naturang problema kung saan may kaliitan umano
ito na kung minsan ay nahihirapan ang mga dumaraang pasahero sa lugar.
Maliban dito may area doon na walang hawakan kung saan
delikado sa mga turista lalo na kung malakas ang alon na siya namang
nagpapagalaw sa pontoon.
Dahil dito nakatakdang ipaayos muli ng LGU Malay sa mga
kinauukulan ang pontoon dahil sa sunod-sunod na itong nagagamit ngayon dala ng
Habagat sa isla.
No comments:
Post a Comment