Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Inis na nagsumbong sa Boracay PNP ang Manager ng isang
hotel sa Station 3 matapos silang takasan at hindi binayaran ng kanilang Chinese
national na guest sa hotel sa Manoc-Manoc.
Sumbong ni Mary An Lee, 36-anyos sa mga pulis, nag-checked
out na umano kahapon ng alas 12 ng tanghali ang suspek na si Yue Guanghui para
sa dalawang araw na pag-stay sa kanilang hotel.
Ngunit, nagulat nalang umano sila na hindi na ito dumaan
sa kanilang opisina para magbayad kung saan umalis nalang umano ito dala-dala
ang kanyang bagahi.
Nabatid na nagkakahalaga ng P30, 000 ang bill ng suspek
sa dalawang araw na pamamalagi nito sa nasabing hotel.
Samantala, agad namang pumunta ang mga pulis sa Jetty
port sakaling maabutan pa ang suspek ngunit sa kasamaang palad ay hindi na nila
ito inabutan at pinaniniwalaang lumipad na ito pabalik sa kanilang lugar.
No comments:
Post a Comment