Posted July 14, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
9 na pulis mula sa Aklan Provincial Police Office (APPO)
ang na-relieve sa kanilang puwesto matapos masangkot sa illegal na droga.
Ito ay base sa inilabas na rekord ng Police Regional
Office sa Western Visayas (PRO-6) na nakabase sa Iloilo City.
Sa report ng tanggapan umaabot sa 49 police officer sa
Western Visayas ang na-relive mula sa kani-kanilang mga puwesto kung saan
umepekto ang relief order noong Hulyo 8 sa pamamagitan ng anunsyo ni Supt.
Gilbert Gorero, spokesperson ng PRO-6.
Nabatid na sa Region 6 ang Iloilo Provincial Police
Office (IPPO) at Iloilo City Police Office (ICPO) ang may pinakamataas na
numero ng na- relive na pulis na umabot sa 13 bawat isa, walo sa Antique, tatlo
sa Guimaras, dalawa sa Capiz, at isa sa PRO-6 Regional Headquarters Command.
Dahil dito nanawagan naman ang APPO sa publiko na
isumbong sa kanilang tanggapan ang mga tiwaling pulis at ang mga nasasangkot sa
illegal na gawain.
No comments:
Post a Comment