Pages

Tuesday, July 12, 2016

Registration para sa SK at Brgy. Election, handa na – Comelec Malay

Posted July 2, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for brgy and sk electionKasado na umano ang preparasyon sa isasagawang registration ng mga botante para sa SK at Brgy. Election 2016 sa Comelec Malay.

Ito ngayon ang sinabi ni Malay Comelec Election Officer II Elma Cahilig, kung saan nakahanda na umano ang kanilang opisina sa pagdagsa ng mga botanteng magpapa-rehistro sa nalalapit na eleksyon sa Oktubre.

Sa mga magpapa-rehistro para sa SK Elections, mag-uumpisa ito sa Biyernes Hulyo a-kinse at magtatapos naman sa Hulyo a-trenta-uno kung saan bukas parin ang kanilang opisina sa araw ng Sabado at linggo alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Nabatid na ang edad na pwedeng kumandidato sa Sangguniang Kabataan ay edad 18-24 anyos habang ang kwalepikado namang edad sa pagboto dito ay 15-30 anyos.

Ang bagong panuntunan ay base sa bagong ibinabang resulosyon ng Commission on Election (COMELEC).

Samantala, sinabi pa ni Cahilig na hindi sila tumatanggap ng mga mag-tatransfer na mga botante sapagkat ang kwalipikado lamang dito ay ang bagong botante, koreksyon ng pangalan at may biometrics failure.

No comments:

Post a Comment