Pages

Friday, July 15, 2016

Drug surrenderees sa probinsya ng Aklan nasa 594 na, APPO umaasang tataas pa

Posted July 15, 2016
Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay               

Nasa kabuuang bilang na 594 na ang mga drug surrenderees sa Probinsiya ng Aklan simula ng umarangkada ang Oplan Tokhang noong nakaraang Hulyo 1 na magtatapos naman ngayong araw Hulyo 15, 2016.

Ito ang sinabi ni PO3 Nida Gregas, Public Information Officer (PIO) ng Aklan Police Provincial Office (APPO) sa kanilang nagpapatuloy na pang-hihikayat sa mga drug personalities na sumuko sa mga pulis.

Ayon kay Gregas, maaari pa umano itong madagdagan ngayon hanggang mamayang hating gabi dahil sa marami paring mga police station sa probinsya ang nagsusumite ng mga listahan ng mga sumukong drug personalities sa kanilang lugar.

Samantala, magtatapos naman ang bilangan ng mga drug surrenderees mamayang alas-12 ng hating gabi kung saan ang mga sumuko ay kinabibilangan ng pusher/user.

Ang programang Oplan Tokhang (Toktok Hangyo) ng Philippine National Police (PNP) sa pamumuno ni Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ay mahigpit itong ipinapatupad para mabigyan ng pagkakataon ang mga gumagamit ng illegal na droga na magbago.

No comments:

Post a Comment