Pages

Wednesday, July 13, 2016

Cleanup para sa isla ng Boracay hiniling ng DOT

Posted July 13, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Sa layuning mapanatili ang kalinisan ng Boracay nasa plano umano ngayon ng bagong DOT secretary na si Wanda Corazon Teo na makipagtulungan sa mga business establishments sa isla at sa Department of Natural Resources (DENR).

Sa inilabas na pahayag ni Teo kamakailan nais umano ng DOT na hikayatin ang mga may ari ng hotel at resort sa Boracay na gumawa ng “green teams” para mamintina ang “sustainability” sa isla.

Nabatid na ang green team ay isang pag-uusap o diskusyon na kung ano ang dapat na e-improved sa mga tuntunin sa pagpapanatili ng kagandahan ng Boracay.

Kaugnay nito sinabi naman ni DOT 6 Tourism Operations Officer I at Boracay Team Leader Kristoffer Leo Velete na handa silang makipagtulungan sa mga stakeholders sa isla alinsunod sa ninanais ni Teo.

Ngunit sa ngayon umano ay wala pa silang natatangap na memo o go signal mula sa itaas para sa pagsisimula ng naturang programa.

Ang isla ng Boracay ay isa sa mga top beaches at tourist destinations sa Pilipinas, kung saan kinilala din ito ngayon bilang second best island in the world, ayon sa New York City-based travel magazine na Travel+Leisure.  

No comments:

Post a Comment