Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Umabot sa 93 ang drug pushers at user na sumuko sa mga otoridad
sa bayan ng Nabas kahapon kaugnay sa Oplan Tokhang (Toktok-Hangyo) operation na
nag-simula noong Hulyo-1 na magtatapos bukas araw ng Biyernes.
Ganap na alas-8 kagabi ng isagawa ang pagpupulong sa mga
drug personality sa Nabas, Elementary School kung saan 16 na Brgy. ang kabilang
dito na dinaluhan naman ng kanilang mga Brgy. kapitan.
Sa pangunguna mismo ni Chief Inspector Reynante Matillano
ng Nabas, Mayor James Solanoy, Prosecutor Chris Gonzales at Maya Tolentino
ipinaliwanag sa mga sumuko ang mga bagay-bagay na nakapaloob sa pipirmahang
affidavit.
Nabatid na kung sino man ang mag-negatibo sa mga sumuko
ay sasailalim parin ito sa obserbasyon ng kanilang Brgy. Captain habang sa
magiging positibo naman ay isasailalim sila sa rehabilitation.
Napag-alaman na sa 91 sa mga sumuko ay mga lalaki habang
dalawa naman ang mga babae kung saan ilan din sa mga sumuko sa nasabing bayan
ay hindi kabilang sa kanilang drug watchlist.
No comments:
Post a Comment