Posted April 13, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Image by BTAC |
Mahigit kumulang 50 mga namamalimos na Badjao mula sa
Zamboanga at Aeta mula naman sa Dingle, Iloilo ang na-recue sa isla ng Boracay.
Ito ay kasabay ng isinagawang implementasyon ng
Anti-Mendicancy Law kung saan pinangunahan ito ng MSWDO-Boracay, Boracay PNP,
Malay Auxiliary Police-Boracay, Tourism Regulatory Enforcement Unit at Barangay
Officials at Tanod member ng Balabag at Manocmanoc.
Pero bago ito nagkaroon muna ng Coordination Meeting ang
mga nasabing grupo sa pangunguna ni Madel Dee Schönenberger ng MSWDO-Boracay at
ni Glenn Sacapano, Island Administrator kung pinag-usapan ang hakbang sa maayos
na pag-rescue sa mga ito.
Nabatid na karamihan sa mga nahuli ay makikita sa
mainroad ng Boracay kung saan namamalimos ang mga ito kasama ang kanilang mga
maliliit na anak.
Samantala, ang mga nasabing IPs ay agad na itinawid sa
mainland Malay at itinurn-over naman sa MSWDO-Malay Special Body on Indigenous
People para sila ang mamahala sa pagbabalik sa mga ito sa kanilang lugar.
No comments:
Post a Comment