Posted April 12, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi nagpatinag ang mga Aklanon athletes at ang mga
manlalaro mula sa Western Visayas sa kasalukuyang 2016 Palarong Pambansa sa
Legaspi City, Albay.
Bilang patunay na sungkit ng 17-anyos na si Sheila Mae
Salibio Talja ng Malay National High School ang silver para sa secondary girls’
long jump.
Si Talja ay kinilala rin bilang Philippine National Games
long jump silver medalist na nakakuha ng 5.33 meters.
Maliban dito, isa pang Aklanon mula sa Cajilo Elementary
School sa Cajilo, Makato na si Jover Tejada ang nanalo ng silver sa elementary
boys triple jump na may 11.99 meters.
Samantala, karamihan pa sa mga nanalo ay mula naman sa
probinsya ng Iloilo kontra sa ibat-ibang rehiyon sa bansa.
Nabatid na 18 rehiyon sa buong Pilipinas ang kasali sa
59th edition ng Palarong Pambansa na nagsimula nitong Abril 10 hanggang at
magtatapos naman sa Abril 16 sa lalawigan ng Albay.
No comments:
Post a Comment