Pages

Wednesday, April 13, 2016

Tinatayang 50 mga Badjao at Aeta beggars na-recue sa Boracay

Posted April 13, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image by BTAC
Mahigit kumulang 50 mga namamalimos na Badjao mula sa Zamboanga at Aeta mula naman sa Dingle, Iloilo ang na-recue sa isla ng Boracay.

Ito ay kasabay ng isinagawang implementasyon ng Anti-Mendicancy Law kung saan pinangunahan ito ng MSWDO-Boracay, Boracay PNP, Malay Auxiliary Police-Boracay, Tourism Regulatory Enforcement Unit at Barangay Officials at Tanod member ng Balabag at Manocmanoc.

Pero bago ito nagkaroon muna ng Coordination Meeting ang mga nasabing grupo sa pangunguna ni Madel Dee Schönenberger ng MSWDO-Boracay at ni Glenn Sacapano, Island Administrator kung pinag-usapan ang hakbang sa maayos na pag-rescue sa mga ito.

Nabatid na karamihan sa mga nahuli ay makikita sa mainroad ng Boracay kung saan namamalimos ang mga ito kasama ang kanilang mga maliliit na anak.

Samantala, ang mga nasabing IPs ay agad na itinawid sa mainland Malay at itinurn-over naman sa MSWDO-Malay Special Body on Indigenous People para sila ang mamahala sa pagbabalik sa mga ito sa kanilang lugar.

No comments:

Post a Comment