Posted April 14, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Hindi
makapaniwala ang supervisor ng isang convenient store matapos nitong maaktuhan
ang kanyang staff na nag-nanakaw ng pera sa kanilang kaha sa Station 2 Brgy.
Balabag, Boracay.
Sumbong ng
nag-rereklamo na si Christy Tubianosa 26-anyos residente ng Lacaron, Sibalum,
Antique sa Boracay PNP, naka-duty umano sila ng maaktuhan niya ang suspek na
staff na hindi pina-punched ang kanilang produktong ibinibinta.
Agad umanong
pinuntahan ng supervisor ang counter at binilang ang benta kung saan natuklasan
nitong nagkulang na ito ng P629.00 at ng sinuri nito ang wallet ng suspek ay
nakita nitong meron itong P600.00 na cash.
Dahil dito,
kumuha ng pribadong abogado ang may-ari ng convenient store para sa posibleng
kaso na isasampa sa suspek.
No comments:
Post a Comment