YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, April 12, 2016

Mga Ita na namamalimos, muling a-aksyunan ng MSWD

Posted April 12, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

“Hindi taga dito ang mga Ita na namamalimos”

Ito ang sinabi ni Municipal Social Welfare Development o (MSWD) at Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) Officer-in-Charge Madel Dee Tayco-Schoenenberger sa himpilang ito para sa mga nag-rereklamong concern citizen.

Nabatid na isa ito sa mga reklamo na natanggap ngayon ng opisina ng MSWDO dahil sa patuloy paring pang-hihingi ng pera ng mga Ita sa mga turista kung saan naka-standby ang mga ito sa mga fast food chain lalong-lalo na sa front beach area na naging agaw-atensyon sa mga turistang dumadaan dito.

Subalit, mariin namang pinabulaanan ni Tayco na ang mga Ita na pagala-gala at nanlilimus ay hindi mga taga Boracay.

Samantala, muli umanong pag-uusapan ang nasabing problema kasama ang LGU Malay, TREU, Boracay PNP, Malay Auxiliary, Barangay Council  at Jetty Port kung saan para mamonitor ang kanilang pagpunta dito sa isla ng Boracay.

Kaugnay nito, ang mga mahuhuling Ita ay ire-refer nila sa Commission on Human Rights at National Commission for Indigenous People o (NCIP) upang sila na ang bahala para sa maayos na pangangalaga sa mga ito.

No comments:

Post a Comment