Posted April 11, 2016
Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay
Ang grupo ni US Marine Major Justin McGruy ay nakipagkita
at nakipagpulong sa isang hapunan na inorganisa ni BAG Consultant Leonard Tirol
na ang layuning ay para maibahagi ang mga ginagawang inisyatibo ng Boracay
Action Group para sa seguridad ng isla.
Ayon naman kay US Military Support Operation Staff
Christopher Lindsey, nasa Panay Island ang kanilang tropa para sa ginagawang
community outreach at humanitarian assistance at pagsasanay sa mga responders
sa mga bayan ng Jamindan at Tapaz sa Capiz at Dingle sa probinsya ng Iloilo na
bahagi ng Balikatan Exercise.
Ang AFP o Armed Forces of the Philippines umano ang
pumili sa mga nabanggit na lugar kung saan maliban sa pagsasanay-militar ay
tumutulong din sila sa pagsasaayos at pagpipintura ng mga paaralan at pakikisalamuha
sa kulturang Pilipino.
Nagsimula ang Balikatan sa Panay nitong April 4 at
magtatapos sa April 16 taong kasalukuyan kasabay ng kahalintulad na aktibidad
sa ibang probinsya sa Pilipinas kasama na ang Palawan.
Samantala, ikinagalak naman ng mga contingents ang
pag-asikaso sa kanila ng Boracay Action Group sabay papuri sa gandang taglay ng
isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment